In despair

Mainit ang panahon, pero malamig ang simoy ng hangin. Walang magawa. Walang maisip gawin. Feels like I’ve been in hell for days, 5 days to be exact. Ayoko kumain. Ayoko makipag-usap. At lalong ayoko lumabas. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaharap sayo at nagta-type ng kung ano-ano.
Aaminin ko, naguguluhan ako. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko ngayon na hindi ko kaya ipaliwanag ng nag-iisa. Maraming tanong na hindi kailanman nawala at hindi ko kayang sagutin. O marahil alam ko ang kasagutan pero hindi ko kayang tanggapin sa aking sarili ang katotohananan. Minsan ba sa buhay mo, naranasan mo na marami kang tanong pero wala kang lakas ng loob ilabas dahil natatakot ka sa maaaring maging sagot? Minsan naisip mo ba kung na saan kang kalagayan ngayon, at masaya ka ba sa kasalukuyang buhay mo? Minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung ano ang tunay na purpose mo at nabubuhay ka ngayon sa mundo? Naisip mo din ba kahit minsan kung ano ka sa nakaraan mong buhay, at bakit dapat pagdaan mo ang mga ganitong kasalukuyan? O kaya naman naisip mong ano ang nasa hinaharap, maganda ba ito o sadyang walang kinabukasan naghihintay para sayo?
Sabi nila, the most difficult phase of your life is not when no one understands you, it’s when you don’t understand yourself. At ilan lang yan sa maraming bagay na umiikot sa utak ko nitong mga nagdaang araw. Ilan sa mga katanungan na pilit ko man takasan, paulit-ulit bumabalik at pilit akong binabalikan. Sa totoo lang, marami sila. Maraming-marami. May lungkot, may takot, may walang kasiguraduhan. Mayroon din galit, pagdaramdam at pagsisisi. Pilit silang nagsusumiksik sa maliit kong utak, pinagdidiinan na ayaw nilang lumabas at pinagpipilitang isipin ko sila.
Kadalasan sa sobrang dami nila, nakakalimutan ko na ang ibang mahahalagang bagay. Nagiging makasarili ako at nakakalimutang may mga taong nagalala sa kalagayan ko. Minsan pa, nagiging matigas ang ulo ko at nakakalimutan ang mga pangaral na tumutulong sa akin sa mga panahong naliligaw ako ng landas, naguguluhan, nalulungkot at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Mga panahong tulad ngayon na gusto ko nang iwanan.
Marahil marami na rin katanungan sa isip mo ngayon tungkol sa bagay na pinagdadaanan ko. Marahil marami ng konklusyon sa isip mo para sa mga katanungan ko. Pero kagaya nga ng sabi ko, wala akong lakas ng loob para magsalita at ibulalas ang mga ito. Oo, marahil nga ay duwag ako. Marahil din ay natatakot ako. At marahil yun ang totoo. Pero anong magagawa ko? Sa pagkakaalam ko, hindi masama ang matakot at maduwag paminsan-minsan. Sa kadahilanang minsan ang mga bagay na ito pa ang tumatapik sayo para solusyunan ang mga pagsubok na akala mo ay hindi mo kailanman kayang harapin. At marahil pa nga, normal ito sa kagaya ng pinagdadaanan ko.

Sa totoo lang, ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko masabi sa kahit sino ang tunay na sitwasyon ko, kahit pa sa mga pinakamalalapit sa buhay ko. Marahil may ideya ang iba sa kanila, marahil nanghula naman yun iba. Pinipilit kong mag-move on at kalimutan ang lahat, pero paano? I’m trying, I’m trying and I’m tired of trying. Hindi ko gusto na maapektuhan sila, at hindi ko rin naman kayang mawala sila.
Alam ko kung ano ang kailangan kong gawin, pero bakit ang hirap pa din gawin? It feels like jumping on a midnight train going anywhere and never coming back. Alam ko I should let go of the past, pero hindi kasi madali lalo na kung dun na halos umikot ang buhay mo. Sabi nga nila, cry a river, build a bridge and get over it. This sounds so easy but it’s easier said than done. Sa buhay natin maraming kalungkutan, sakit at pait tayong napagdaanan. Pero kung palagi natin iisipin ang mga di magagandang bagay na nagdaan, we are allowing that sadness to gain an upper hand over us. Ang hindi natin nare-realize is that what has happened has happened. It’s over and done with. Nagbabago ang tao at nagbabago ang panahon. Moving on in life is very difficult, but I was born strong. So I know, I must be strong in amidst life's difficulties.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaramdam ng ganito. Hindi ko din alam kung ilang araw pa ko gigising na ito ang mga katanungan sa isip ko. 5 more days? Another 1 week? 3 months? 10 years from now? I don’t know. No one knows. At kung meron man isang nakakaalam nun, Siya lang yun.
Sabi nga sa isang commercial, para kanino ka bumabangon? Para sa anak? Para sa kaibigan? Para sa di mo kakilala? Para sa bata? Para sa marami? O para sa sarili? Marahil ang masasabi ko, para sa lahat. Kung ano man ang naghihintay sa akin, so let it be done. Sabi nga nila, happiness is a choice. Tayo ang gagawa ng paraan para sumaya tayo. At alam ko, happiness is a journey not a destination. As we make our journey to life, we have so many things to savor and experience. Walang happiness sa iisang tao or sa iisang lugar lamang. Wala rin happiness sa mga materyal na bagay lang. Lalong lalo na, walang happiness sa isang kisap-mata coz you are the only person who can make yourself happy.
At bigla, nagising na lang ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. At sa aking pagdilat, mayroon luhang pumatak sa akin munting mga mata.

Comments